EO NI BBM NA NAGPAPALAWIG SA MORATORIUM SA PAGBABAYAD UTANG NG MGA BENEPISARYO NG REPORMANG AGRARYO AT MAAGANG PAGSUMITE NG DAR NG IRR SA BAGONG AGRARIAN EMANCIPATION ACT, PINURI NI SPEAKER
Pinuri ngayong Martes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa paglagda niya sa isang Executive Order na nagpapalawig ng dalawa pang taon, sa moratorium ng utang ng mga Agrarian Reform Beneficiaries, na hindi napapailalim sa kapapasang batas na New Agrarian Emancipation Act (NAEA).
Gayundin, pinuri ni Speaker Romualdez ang Department of Agrarian Reform sa pagsusumite ng Implementing Rules and Regulations sa NAEA (Republic Act No. 11953), 15 araw bago ang itinakdang deadline.
Isa si Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa mga opisyal ng pamahalaan na sumaksi sa paglagda ni Pangulong Marcos sa EO na nagpapalawig sa moratorium sa utang hanggang ika-15 ng Setyembre 2025, at ang presentasyon ng IRR ng RA 11953 sa Punong Ehekutibo ni DAR Secretary Conrado Estrella III.
“The extension of the moratorium on the payment of the amortization and principal on the debt of our agrarian reform beneficiaries is a demonstration of the commitment of the administration of President Marcos to their welfare and the growth of our agricultural sector,” ayon kay Romualdez.
“DAR’s early submission of the IRR is a significant step towards fulfilling the promise of the New Agrarian Emancipation Act to uplift the life of our farmers, revitalize our agricultural sector, and provide affordable food for every family,” dagdag niya.
Binanggit niya na ang moratorium ay pakikinabangan ng may 129,059 ARBs, na naglilinang ng tinatayang 158,209 ektarya ng lupaing sakahan, na hindi nakaabot sa cut-off period noong ika-24 ng Hulyo 2023, alinsunod sa RA 11953 para maging kwalipikado sa kondonasyon ng utang sa agraryo.
Sa kabilang dako, ang kondonasyon ng utang sa agraryo sa ilalim ng NAEA, ay pakikinabangan ng may 610,054 ARBs, na nagkautang ng tinatayang P57.55 bilyon sa hindi nabayarang hulog. Tinatapos rin nito ang P206.247 milyon sa hindi nabayarang hulog sa mga may-ari ng lupa ng 10,201 ARBs.
Nauna nang nagpahayag si Romualdez ng pag-asa na ang RA No. 11953 ay makakapagbigay ng pagkakataon na makamit ang sapat na suplay ng bigas sa bansa.
Sinabi niya na ang pagbura sa pagkakautang ng mga agrarian reform beneficiaries ay unang hakbang lamang upang matulungan silang makamtan ang mas maayos na produksyon, mapaunlad ang kanilang kabuhayan at makamit ang lubos na kasapatan sa bigas sa bansa.
“The next step is aiding them to those objectives by providing them with or giving them access to credit, technology, equipment, inputs, and other vital support services. Let us leave them to fend for themselves,” dagdag niya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home