Nais ni Davao City Rep. Paolo Duterte na mabigyan ng P15,000 na “production subsidy” ang mga magsasaka at mangingisda sa ating bansa.
Kaya naman kanyang inihain sa Kamara ang House Bill 9053.
Kapag naging ganap na batas ito --- masasakop ang nasa siyam punto pito (9.7) milyong magsasaka at mangingisda na apektado ng mataas na presyo ng produktong langis at “farm inputs” gaya ng pataba; “economic downturn,” at serye ng mga kalamidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pagkakalooban ang bawat pamilyang benepisyaryo ng tig-labing limang libong piso (P15,000) na “one-time production subsidy.”
Ang listahan ng benepisyaryo ay isasapinal at isusumite ng Department of Agriculture o DA at ng Philippine Statistics Authority o PSA, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, sa Kongreso; habang nasa P145.5 billion ang panukalang pondo.
Sa kanyang explanatory note, ipinaliwanag ni Duterte na layon ng kanyang House Bill na makatulong para sa recovery o pagbangon ng mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t ibang suliranin, na kadalasang nagreresulta ng kanilang pagka-lugi, hirap sa pera at pagkaka-utang.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home