Isang napaka-gandang balita para sa mga magsasaka ang pasya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi aprubahan ang isinusulong na “zero” o pagbaba ng taripa sa mga inaangkat na bigas.
Ito ang sinabi ni House Committee on Social Services chairman, at Nueva Ecija 3rd district Rep. Rosanna “Ria” Vergara.
Aniya, kanyang ikinalulugod ang desisyon ng Presidente na tanggihan ang mungkahi ng Department of Finance o DOF.
Kahit pa sabihing magpapa-baba ng presyo ng bigas ang mas mababang taripa, sa pangmatagalan ay makasasakit lamang ito sa mga lokal na magsasaka.
Ayon kay Vergara, noong pumutok ang panukala ng DOF na zero o bawas-taripa, maraming magsasaka ang kinabahan dahil sa posibleng pagbaha ng mga imported na bigas.
Pero ngayon, ani Vergara, hindi na kakabahan ang mga magsasaka na bubuhos ang mga imported rice dahil sa desisyon ng Presidente, at nag-aani na rin ang sektor.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home