Pinuna ng isang mambabatas ang paglulunsad ng operasyon ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga colorum na sasakyan.
Sa interpelasyon ni Agri Party List Rep. Wilbert Lee sa budget deliberation ng DOTr sa plenary ng House of Representatives, binigyang-diin nito na maglunsad ng full crakdown ang ahensiya laban sa mga colorum na sasakyan 24/7 mula Lunes hanggang Linggo.
Batay kasi sa ulat may oras lamang ang ginagawang panghuhuli ng ahensiya.
Punto ni Lee nalalagay sa alanganin ang buhay ng mga commuters kung patuloy sa pag-operate itong mga colorum na mga sasakyan at hindi ito patas para duon sa mga lehitimong mga PUV drivers na sumusunod sa polisiya at batas.
Tugon naman ni Valenzuela Rep. Eric Martinez na siyang sponsor sa panukalang 2024 budget ng Department of Transportation (DOTr) hindi totoo na may oras lamang ang panghuhuli sa mga colorum na sasakyan.
Malaking hamon sa ahensiya ang kakulangan ng tauhan.
Sa kasalukuyan kasi nasa 40 personnel lamang ang naka assign para tugisin ang mga colorum na mga sasakyan.
Sinabi ni Martinez, nangako ang LTO na kanilang paiigtingin ang kampanya laban sa colorum na mga sasakyan at tutugunan ang kakulangan ng mga personnel.
Bukod sa dagdag na personnel magdadagdag din sila ng mga sasakyan na gagamitin sa operasyon.
Ayon kay Rep. Martinez hahanap ng augmentation personnel ang LTO para tulungan ang kanilang tauhan sa kampanya laban sa colorum na mga sasakyan.
Target ng ahensiya na magkaroon ng 100 personnel na tututok sa kampanya laban sa mga colorum na sasakyan na patuloy na namamayagpag.
Pinasusumite naman ni Cong Lee ang ahensiya ng isang komprehensibong action plan ukol dito. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home