Friday, September 29, 2023

Aprubado na sa ikatlong pag-basa ang House Bill 8937 o panukala para ayusin ang local mining fiscal regime.


Aamyendahan ng panukala ang National Internal Revenue Code of 1997 sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na mga probisyon


Kabilang ang Mining Fiscal Regime sa mga SONA priority measure ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.


Oras na maisabatas papatawan ng 4% royalty rate ang gross output ng large-scale metallic mining operations sa mga mineral reservations habang one-tenth ng one percent naman para sa small-scale metallic operations.

 

Mayroong din margin-based royalty para sa mga large-scale metallic mining sa labas ng mga mineral reservations.

 

Obligado na ring magpa rehistro ang small scale miners sa Mines and Geosciences Bureau at Mining Board kanilang LGU at hinihimok silang bumuo ng kooperatiba para magawaran ng People’s Small-Scale Mining Contract. 


Magkakaroon din ng windfall profits tax kada taxable year mula sa kita ng metallic mining operations.


Ang kopya ng lahat ng marketing contracts at sales agreements, pati sales at export ng minerals, mineral products, at raw ores ay isusumite sa BIR.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home