Friday, September 29, 2023

Hihintayin ng Kamara kung tutuparin ng “Big 3” oil companies ang pagbibigay ng diskwento sa mga motorista.


Ito ang ibinahagi ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos ang ikalawang round ng dayalogo sa pagitan ng Kamara at ng oil industry players.


Matatandaan na nagpatawag ng pangalawang pulong ang mga mambabatas upang hintayin ang rekomendasyon ng oil companies sa kung paano sila makatutulong para ibsan ang mataas na presyo ng produktong petrolyo.


Pero ayon kay Tulfo, ang tanging iprinisenta lang ng naturang mga kompanya ay ang dati na nilang discount scheme na ibinibigay sa public transport.


Aminado ang ACT CIS party-list solon na nakukulangan sila sa tugon ng mga oil company lalo at ang halaga ng naturang diskwento ay noon pang nasa P50 ang presyuhan ng gasoline---malayo sa kasalukuyang presyo na pumapatak ng P70.


Kaya naman hamon aniya nila sa oil companies, doblehin ang halaga ng diskwento at isama na rin ang mga motorista na nagmamaneho ng pribadong sasakyan o kaya ay motor.


Wala namang timetable na ibinigay ng kompanya ng langis kung kailan nila ito ipatutupad.


Kaya naman sinabi ni Tulfo na sila ay magbabantay.


Paalala pa niya na una nang sinabi ni Speaker Martin Romualdez na kung hindi makikipagtulungan ang mga kompanya ng langis ay may karampatang hakbang na gagawin ang Kamara---isa na rito ang pagbuwag sa oir deregulation law.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home