Thursday, October 12, 2023

Kamara ipagpapatuloy pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas, iba pang agri products-- Speaker Romualdez 


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Huwebes na magpapatuloy ang ginagawang pagbabantay ng Kamara de Representantes sa presyo ng bigas, sibuyas, at iba pang produktong agrikultural.


Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag kasabay ng kanyang pagpuri sa Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahain ng kaso sa mga sangkot sa hindi resonableng pagtataas ng presyo ng sibuyas na umabot sa P700 kada kilo noong huling bahagi ng 2022.


Alinsunod sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng mga bilihin, hiniling ni Speaker Romualdez sa committee on agriculture ang food na imbestigahan ang biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas.


Ayon kay Speaker Romualdez ang paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa mga sangkot ay produkto ng malalim na imbestigasyong isinagawa.


“We welcome this result and we expect prosecutors to make the charges stick. We will continue to monitor prices and we will not hesitate to exercise our power of oversight by conducting an investigation and prodding agencies so we can protect the public from high prices and inflation,” sabi pa ng lider ng Kamara.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang committee on agriculture ang food na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga at si Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, sa matagumpay na pag-iimbestiga.


Nagtapos ang isinagawang imbestigasyon matapos na mapag-ugnay-ugnay ni Rep. Quimbo ang mga kasama sa kartel na siyang responsable sa pagtaas ng presyo ng sibuyas.


Sa gitna ng imbestigasyon ay bumaba ang presyo ng sibuyas sa P160 kada kilo mula sa P700 kada kilo.


Nagpahayag din ng pagkadismaya si Speaker Romualdez sa pagkakasangkot ng ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa manipulasyon ng presyo ng sibuyas.


“As public officers, we are expected to protect our people, not to make them suffer from abusive and illegal practices,” sabi nito.


Nanawagan si Speaker Romualdez sa DoJ-NBI na habulin ang iba pang opisyal na sangkot sa manipulasyon ng presyo hindi lamang ng sibuyas kundi maging ng bigas at iba pang produktong agrikultural.


Hinimok din ni Speaker Romualdez ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Cooperative Development Authority (CDA) na parusahan ang mga organisasyon na nakikipagsabwatan para pataasin ang presyo.


Noong Miyerkoles ay inanunsyo ni DoJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagsasampa ng NBI ng mga kaso laban sa mga sangkot sa onion hoarding at price manipulation matapos ang isinagawa nitong imbestigasyon.


Sinampahan ng paglabag sa Republic Act (RA) No. 3019 (Anti Graft and Corrupt Practices Act) sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Agribusiness and Marketing Assistance Service officer in charge Junibert de Sagun at Bureau of Plant Industry Director Gerald Panganiban.


Mayroon ding silang kinakaharap na kasong administratibo.


Nasampahan naman ng kasong hoarding, falsification at profiteering sina Bonena Multipurpose Cooperative officials Israel Reguyal, Mary Ann dela Rosa at Victor dela Rosa Jimenez.


Sinabi ni Remulla na inaasahan nito na maglalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga akusado sa nalalapit na panahon. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home