Kamara pabor sa sinabi ni ex-PRRD na dapat ‘transparent,’ ‘fully auditable’ ang paggastos ng pondo ng gobyerno—House Sec Gen Velasco
Suportado ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin Romualdez, ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat “transparent and fully auditable” ang paggamit ng pondo ng gobyerno.
Sa pahayag na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco sinabi nito na walang confidential at intelligence funds ang Kamara.
“The House has no confidential and intelligence funds. All line items in our budget are subject to regular accounting and auditing rules and regulations. Laging bukas po ang aming libro sa Commission on Audit,” sabi pa ni Velasco.
Batay sa inilabas na report ng Commission on Audit (COA) noong Oktobre 2, wala umanong disallowance ang Kamara de Representantes.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home