Inaasikaso na ng Philippine government ang pag-repatriate sa mga Pilipinong nais nang lisanin ang Israel matapos ang pag-atake ng Hamas militants.
Sa ipinatawag na comprehensive briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac na inaayos na ang mobilization ng dalawampu't tatlong Pinoy na nasa mas mabuting posisyon para makaalis.
Babalansehin aniya nila ang sitwasyon lalo't limitado pa ang operasyon ng Ben Gurion International Airport at kailangan ng koordinasyon sa Israeli authorities bago makalipad pauwi ang OFWs at OFs.
Naglabas din ng Google survey ang DMW upang alamin ang kondisyon ng mga Pilipino at nasa tatlongdaan at labintatlo ang tumugon na sila ay ligtas sa affected areas.
Iniulat naman ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na mayroong pitumpung Pilipino sa Gaza na nais nang magpa-repatriate ngunit ang problema ay ang access papasok at palabas sa lugar.
Tuluy-tuloy ang diplomatic measures at pakikipag-negosasyon ng Philippine government upang makagawa ng paraan na mapauwi ang mga kababayan sa Gaza na karamihan ay may sarili nang pamilya doon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home