Friday, November 10, 2023

Dating pangulong GMA kinumpirma ang kanyang dedikasyon para sa liderato ni Speaker Martin Romualdez


BINIGYANG linaw ni dating Pangulo at ngayoy Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyoang kanyang dedikasyon upang panindigan ang posisyon ni Speaker Martin Romualdez bilang lider ng Kamara de Representantes sa kabila ng balitang pagtanggal sa kanya bilang deputy speaker.


Sa isang written communication ni Arroyo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinagtibay ng dating pangulo at kinumpirma na hindi siya gumawa anumang aksyon upang papanghinain ang liderato ni Romualdez.


Tumugon si Arroyo sa kumakalat na balita kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa posisyon bilang Deputy Speaker.


Sa pagtugon sa umugong na balita, nilinaw ng mambabatas na hindi siya nakalagda sa House Resolution No. 1414 na nagpapahayag ng suporta para sa leadership ni Speaker Romualdez dahilang siya'y may overseas commitments sa panahon ng paglagda.


Binigyang-diin ni Arroyo na hindi nangangahulugang sumasailalim sa kakulangan ng suporta para kay Romualdez ang hindi nya paglagda. Tuloy tuloy pa rin aniya ang suporta sa liderato.


Dagdag pa rito, iniwas ni Arroyo ang pagdududa sa kanyang ambisyon sa Kongreso, at iginiit na binitawan na ang kanyang hangad para sa kasalukuyan at hinaharap sa mga sesyon


Eddie Galvez

FENC news wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home