Friday, November 10, 2023

Survey na nagpapakita na pabor ang nakararaming Pinoy sa paglipat ng confi funds patunay na tama ang ginawa ng Kamara



Napatunyan umano na tama ang ginawa ng Kamara de Representantes na ilipat ang confidential fund ng mga civilian agency batay sa resulta ng survey kung saan pumapabor ang mayorya ng mga Pilipino rito.


“It’s a vindication for all of us in the House of Representatives, to say the least. As you know, we have been the political punching bag of some quarters, specifically Speaker Ferdinand Martin Romualdez who did nothing bad, and who only did his job,” ani House Deputy Majority Leader at Quezon City 3rd District Rep. Franz Pumaren.


Tinukoy ni Pumaren ang resulta ng survey ng OCTA Research kung saan 72 porsyento ang nagsabi na may alam sila sa ginawang paglipat ng confidential funds ng Kamara at 57 porsyento sa mga ito ang pumabor sa hakbang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.


“As far as we are concerned, this is a crucial and very important gauge for us, and an affirmation that we did the right thing. Moreso, it also encourages us to continue on this righteous path in carrying out what is good for our fellow countrymen. We have the moral high ground,” dagdag pa nito.


Ang OCTA Research Survey ay ginawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4.


Inilipat ng Kamara ang kabuuang P1.23 bilyong confidential fund ng mga civilian agency patungo sa mga national security agency. Kasama sa inalisan ng confidential fund ang Office of the Vice President at Department of Education na mayroong P650 milyong confidential fund sa ilalim ng panukalang 2024 budget.


Sa nabanggit na survey, nagpahayag ng pagtutol sa ginawa ng Kamara ang 14 porsyento, malayo sa bilang ng mga pumabor dito.


Pinakamarami sa mga pumabor sa ginawa ng Kamara ang balanse ng Luzon (76 porsyento), sumunod ang Metro Manila (65 porsyento), Visayas (46 porsyento) at Mindanao (24 porsyento).


Sa bilang ng mga tumutol, pinakamataas ang Mindanao (26 porsyento), at ang pinakamababa at balanse ng Luzon (10 porsyento). ##wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home