Friday, November 17, 2023

Inilabas na ng House Committee on Dangerous Drugs ang kanilang mga rekumendasyon ukol sa pagkakasabat ng 990 kilos ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P6.7 billion sa Tondo, sa Maynila noong Oktubre 2022. 


Sa higit 30 pahinang committee report --- kabilang sa rekumendasyon ay sampahaan ng kasong kriminal si dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. 


Inirekumenda rin na kasuhan ang buong police anti-drug unit na sangkot, dahil sa pagtatanim ng mga ebidensya. Punto sa committee report, may tangkang i-cover up o pagtakpan ng mga pulis ang pag-aresto kay Mayo. 


Kabilang pa sa mga inirekumendang sampahan ng kaso ay sina Police Brig. Gen. Narciso Domingo, Police Col. Julian Olonan, Police Lt. Col. Arnulfo Ibanez at Police Major Michael Angelo Salmingo ng grave misconduct, at graft and corruption, dahil sa umano’y pagpapalaya kay Mayo. 


Kaugnay nito, nakasaad din sa committee report ang ilang hakbang upang hindi na maulit ang katulad na insidente sa hinaharap. Kabilang dito ang: 


- Pagpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Section 21 ukol sa pagsira ng mga nasasabat na droga 


- Pagbuo ng special drug courts para sa mabilis na pagresolba sa mga drug cases 


- Pagtatayo ng mas “secured” na mga pasilidad, upang maiwasan ang pagnanakaw at recycling ng mga nasasabat na ilegal na droga 


- Mandatory na paggamit ng body-worn cameras ng mga operatiba sa lahat ng anti-drug operations 


- Rekumendasyon sa Presidente na mag-isyu ng executive order para sa pagbuo ng national anti-illegal drug coordination body. At marami pang iba. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home