Friday, November 17, 2023

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na mapalalakas na ang pangangalaga sa mga Pilipinong lumalaban sa sakit na kanser.


Kasunod ito ng nilagdaang kasunduan sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders' Summit sa San Francisco, California sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc., Varian Medical Systems Netherland B.V. at Philippine counterpart nito.


Nakasaad sa memorandum of agreement ang pagtatatag ng oncology clinics sa Pilipinas at partnership sa innovation at research upang mapabuti ang cancer diagnosis, treatment at prevention.


Ayon kay Romualdez, tiyak na positibo at pangmatagalan ang benepisyo ng pagsasanib-puwersa ng respetadong healthcare provider at global leader sa medical technology para sa buhay ng mga Pinoy na apektado ng cancer.


Ang partnership ay alinsunod aniya sa layunin ng Republic Act 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act na naisabatas noong Pebrero ng taong 2019 pati na ang mga inisyatiba ng Kamara laban sa cancer.


Dagdag pa ng House Speaker, ngayong taon ay pangatlo ang cancer sa nangungunang sanhi ng kamatayan sa Pilipinas kung saan 141,021 ang bagong kaso habang 86,337 naman ang namamatay kada taon. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home