Malaking hakbang sa pagkamit ng abot-kaya, malinis at sustainable na kuryente sa bansa ang paglagda sa twin nuclear agreements sa biyahe ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez matapos maselyuhan ang cooperative agreement sa pagitan ng Meralco at Ultra Safe Nuclear Corporation para isulong ang deployment ng Micro-Modular Reactors sa Pilipinas.
Nakatakda ring pirmahan sa sidelines ng APEC Leaders' Summit ang 123 nuclear deal o ang "peaceful nuclear cooperation agreement".
Ayon kay Romualdez, nagsisilbing "game-changer" ang kasunduan sa pagitan ng Meralco at USNC sa usapin ng enerhiya dahil kinakatawan ng Micro-Modular Reactors ang mas mura, ligtas at maaasahang nuclear energy.
Nakasaad sa cooperative agreement ang pagsasagawa ng Pre-Feasibility Study upang suriin ang potensyal sa pag-deploy ng MMRs sa Pilipinas.
Inaasahang matatapos ang pag-aaral sa second quarter ng susunod na taon kung saan sasailalim sa evaluation ang epekto ng proyekto sa kalikasan gayundin ang capital expenditure at operational costs.
Binigyang-diin din ng House Speaker na ang 123 Agreement ang magsisilbing legal na basehan para sa civil nuclear energy cooperation at pahihintulutan ang pag-export ng nuclear fuel, reactors, equipment at special nuclear material mula Amerika patungo sa Pilipinas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home