Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 1390 na nagsusulong ng pagbuo ng isang Ad Hoc Committee at pag-aralan ang konstruksyon ng bagong gusali, at relokasyon ng House of Representatives.
Sa sesyon ng Kapulungan, inanunsyo na rin ang mga bubuo ng Ad Hoc Committee.
Sila ay sina: Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte bilang chairperson; at House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Quezon Rep. David Suarez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers bilang vice chairpersons.
Habang ang mga miyembro ay sina Reps. Mercedes Alvarez, Roberto Puno, Johnny Pimentel, Jose Aquino, Eleandro Jesus Mandrona, Angelica Natsaha Co, Brian Yamsuan, Toby Tiangco at Jurdin Jesus Romualdo.
Ang House Resolution ay inihain nina Villafuerte, Gonzalez at Suarez na nagsabing nararapat na ikunsidera na ilipat ang Mababang Kapulungan malapit sa Mataas na Kapulungan na nakatakdang lumipat sa bagong building sa BGC.
Ito ay para umano sa mas maayos na komunikasyon at koordinasyon pagdating sa lehislasyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home