Rep. Yedda Romualdez: Magagandang katangian ng mga Pinoy lalong tumingkad matapos manalasa ang Yolanda
LALONG tumingkad ang magagandang mga katangian ng mga Pilipino katulad ng pagmamalasakit sa kapwa matapos manalasa ang super typhoon Yolanda 10 taon na ang nakakaaan.
Ginunita ng Tingog Partylist hindi lamang ang pagkawala ng buhay at pinsalang dulot ng bagyo kundi ang bayanihan at pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino.
Naipakita ng mga Pilipino ang pagkakaisa upang malagpasan ang hamon na dala ng bagyo at muling makabangon muli, ayon sa Tingog.
"Today (Wednesday) Tingog Partylist, along with the Province of Leyte and City of Tacloban, welcomes President Ferdinand Marcos Jr. as he joins us in commemorating the 10th anniversary of Typhoon Yolanda, as he did 10 years ago after the storm,” ani Rep. Yedda K. Romualdez, chairperson ng House committee on accounts.
“We are honored to have the President stand with us on this solemn occasion as we pay tribute to those we lost, celebrate the strength and solidarity displayed in the aftermath, and reaffirm our commitment to building a more disaster-resilient nation,” dagdag pa nito.
"The road to recovery was long and challenging, but the Filipino spirit remained stronger than the storm. Together, we continue to rebuild, stronger than ever,” ani Rep. Romualdez.
Ang Tingog Partylist ay nabuo matapos ang pananalasa ng Yolanda sa ilalim ng liderato nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Rep. Yedda Romualdez, at Rep. Jude Acidre upang tulungang makabangon ang mga biktima ng bagyo at isulong ang mga programa upang maging handa sa mga sakuna.
"The relevance of this commemoration to our time, ten years after Yolanda, cannot be overstated. We find ourselves once again facing an array of challenges, from natural disasters to public health crises and economic uncertainties. The lessons of Yolanda remain as relevant as ever, serving as a guide as we navigate the trials of our present and future," ayon kay Acidre.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home