Huwag masisiraan ng loob
Ito ang mensahe ni House Speaker Martin Romualdez sa mga bigong makapasa sa bar exam.
Aniya ang bawat pagsubok ay pagkakataon upang mas maging mas malakas at mas matalino, dapat din aniya itong ituring bilang isang aral at hindi pagkabigo .
Batid ani Romualdez na mahirap ang daan sa pagiging isang abogado at hindi lamang ito nangangailangan ng katalinuhan kundi maging ng tatag ng loob at tiyaga.
Naniniwala ang house speaker na darating din ang oras ng mga hindi nakapasa sa bar, at makakamit din ng mga ito ang tamis ng tagumpay.
Kasabay nito, nagpaabot din ng pagbati ang lider ng kamara sa lahat ng nakapasa.
Aniya ang hindi lamang isang personal na tagumpay ang kanilang pagkakapasa kundi isang patunay ng i pangako at katatagan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home