Thursday, December 07, 2023

Inaasahang pagtitibayin ng Kamara ang House Bill 9647, o ang panukalang Motor Vehicle Road User’s Tax o MVRUT, na layong makakalap ng dagdag na pondo para sa mga programa ng gobyerno, kasama ang modernisasyon ng pampublikong transportasyon. 


Una nang nakalusot sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ang panukala. 


Ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda, ang panukala ay isa sa priority measures na tinukoy ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address o SONA. 


Kapag naging ganap na batas, magpapataw ng MVRUT sa mga sasakyan, pribado at pampubliko man o pag-aari ng gobyerno. 


Target nito na makapaglaan ng pondo para sa Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program. 


Gayundin ang makagawa ng mga hakbang o proyekto ang Department of Transportation o DOTr upang maiwasan ang pagkamatay ng mga tao mula “road crash” at iba pang mga aksidente sa kalsada, maglaan ng tulong sa mga biktima at iba pa, sa ilalim ng Philhealth. 


Nakasaad pa sa House Bill na magtatayo ang Department of Health o DOH ng emergency care facilities sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng mga insidente ng “road accidents.” wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home