Friday, November 24, 2023

Siniguro ni Speaker Martin Romualdez na mas magiging sensitibo at responsive ang 2024 National Budget sa pagtugon sa mga kalamidad at pag tulong sa mga maaapektuhan nito.


Sa press briefing sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum sa PICC, sinabi ni Romualdez na mas malaking ponso ang ilalaan sa susunod na taon pangtugon sa epekto ng mga kalamidad.


Sa gitna na rin ito ng relief operations ng pamahalaan sa Samar na lubog sa baha at General Santos na niyanig ng magnitude 6.8 na lindol.


“Obviously our new budget will even be more responsive with more resources allocated…Ayaw ko sabihin, pero as sure as the sun rises, parating meron talaga tayong mga kalamidad kaya parati tayo nakahanda. And we make sure that our budget  is not just sensitive but ready to address all of these.” Sabi ni Speaker Romualdez


Malaking bagay din ayon sa House leader na mismong ang Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-iikot sa mga lugar na ito para masiguro na naibibigay ang angkop na tulong sa mga binaha at nilindol na residente.


Agad din aniyang umaksyon ang Kamara at maging Senado para masigurong mailabas ang agad ang kinakailangang quick response fund at maging sila ay nag ambag ng voluntary funds.


“The resources are in place on the ground thanks to the budget, all of us, incuding the Seenate and in the House, to deploy and to make sure that the executive has all the resources available . So mismong ang aking mga kasamahan sa Sarangani at sa GenSan, mga congressmen diyan, agad-agad  mayroon kaming mga quick relief funds. We also have vountary resources, we have DSWD, all in place.” Dagdag ni Romualdez.


Natapos na ng Senado ang plenary deliberations ng panukalang 2024 National Budget at target na maisalang sa bicameral conference committee sa December 10.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home