LUPON NG KAPULUNGAN, BINIGYAN NG BRIEFING HINGGIL SA CHINESE COAST GUARD AT MGA BARKONG MILITIA NA DUMAGSA SA WPS
Pinakinggan ng Espesyal na Komite ng West Philippine Sea sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II ngayong Miyerkules, ang briefing sa pagdagsa ng China Coast Guard (CCG) at mga barkong Chinese Maritime Militia (CMM) sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan, at ang kanilang ginawang pagharang sa mga barko ng Philippine Coast Guard na may resupply mission sa Ayungin Shoal.
Nag briefing ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).
Sa idinaos na pulong, inulit ni Rep. Gonzales ang buong suporta ng Komite para sa “the Philippine government’s approach in dealing with the WPS, and Congress is ready to aid the NTF-WPS in every possible way we can.”
Ayon kay Philippine Navy Vice Admiral Alberto Carlos, WESCOM Commander, ang mga hakbang ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) sa WPS ay “very restrained and calibrated. Our main consideration is to keep the peace on the ground and hopefully improve the realities on the ground… substantially changing to the pace we want them to change,” paliwanag niya.
Sinabi ni VAdm. Carlos na ang mga katotohanan sa ibaba ay hindi mapapalitan sa loob ng magdamag.
Tinanong ni ACT TEACHERS Party-list Rep. France Castro si VAdm. Carlos kung ano pa ang magagawa para matigil na ang panggigipit at panghihimasok ng mga barko ng CCG at CMM sa WPS.
Tinanong rin ni Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan si VAdm. Carlos kung nakaranas ba ang PN ng panggigipit mula sa mga barko ng CCG o CMM sa kanilang pagpapatrulya.
Tumugon si VAdm. Carlos na ang mga aksyon ng Tsina laban sa mga barko ng PN ay kadalasan na limitado sa pagbubuntot na kadalasan ay mula lima hanggang walong nautical miles ang layo. Binanggit niya na isang insidente ang nangyari ngayong taon, kung saan ang isang Chinese gray ship ay dumaan sa harapan ng barko ng PN.
Sinabi ni Rep. Panaligan na ang mga barko ng CCG o CMM ay mas nag-iingat kapag nagpapatrulya ang mga barko ng PN sa WPS, at ipinapalagay na ang mga barko ng PN ay mas palaban kesa sa mga barko ng PCG.
Sumang-ayon rin siya sa posisyon ni VAdm. Carlos na dapat ang bansa ay may tinatayang pagtugon sa pagharap sa iba't ibang insidente sa WPS. Ipinagpatuloy ng Komite ang kanilang pulong sa isang executive session.
Noong umaga ng ika-10 ng Nobyembre, ilang araw matapos ang espesyal na pulong ng Komite, ay dumagsa ng mga barko ng CCG at CMM at sinubukang harangan ang mga barko ng PCG na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
Sa isang insidente, ay binomba pa ng barko ng CCG ng tubig sa pamamagitan ng water cannon sa direksyon ng maliit na barko ng Pilipinas na nagdadala ng mga pagkain at iba pang mga suplay sa mga kawal ng PCG.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home