MGA PANUKALA SA BLUE ECONOMY AT MOTOR VEHICLE ROAD USER’S TAX, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA
Ipinasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 9662, o ang panukalang “Blue Economy Act,” na naglalayong itatag ang balangkas para sa blue economy at isulong ang pamamahala at tuloy-tuloy na kaunlaran ng mga ecosystems resources ng mga dalampasigan at karagatan.
Sa ilalim ng panukala, pangangalagaan ang mga marine at coastal ecosystems sa isang malakas na institusyonal na mekanismo, para sa pagmomomitor ng karagatan at pagpapatupad ng mga regulasyon.
Itinutukoy ng blue economy ang “integrated, holistic, cross-sectoral, and cross-stakeholder approach for the sustainable, resilient, and inclusive use, governance, management and conservation of oceans, seas as well as marine and costal resources and ecosystems for economic growth, leveraging green infrastructure and technologies, innovative financing mechanisms and proactive institutional mechanisms, improving human well-being and social equity, and reducing environmental risks and ecological scarcities.”
Isinusulong rin sa panukala ang reorganisasyon at pagpapalit ng pangalan ng National Coast Watch System sa National Maritime Monitoring System.
Aprubado rin sa ikalawang pagbasa ang HB 9647, na magpapalit ng pangalan sa Motor Vehicle User’s Charge sa Motor Vehicle Road User’s Tax (MVRUT) at itaas ang karagdagang buwis na tutulong sa pagpopondo sa mga programa ng pamahalaan, upang maiwasan ang mga pagkamatay sa mga aksidente sa lansangan, magbahagi ng tulong sa mga biktima, gayundin ang pagpopondo sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home