Thursday, December 07, 2023

Pinakokonsidera nina House Special Committee on the West Philippine Sea Chair Neptali Gonzales II at Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan sa Philippine Navy na i-deploy ang kanilang mga barko para magpatrolya at magpbantay sa West Philippine Sea.


Sa pagtalakay ng komite sa mga insidente ng panggigitpit ng China sa WPS nausisa ng dalawang mambabatas kung mayroon bang kaibahan sa pagtrato ng Chinese Coast Guard o Navy kapag grey ship na ng Pilipinas ang nagpapatrolya sa naturang karagatan.


Tugon ni Vice Admiral Alberto Carlos, na siyang commander ng Western Command, malimit na nakakaranas ng panghaharas ang white ships ng bansa gaya ng sa coast guard kung ikukumpara sa grey ships.


Madalas aniyang ginagawa lamang ng China sa grey ships ay shadowing o pagsunod sa layong 5 to 8 nautical miles.


Isa pa lamang aniya ang isnidenteng naitala nang banggain ng isang Chinese navy ang bow ng Philippine navy ship.


Dahil naman dito naniniwala sina Gonzales at Panaligan na mas takot ang China na maging agresibo kung Philippine Navy ship ang gagamitin sa pagpapatrolya sa WPS.


Pagsiguro naman ni Carlos na palagiang naglalayag ang navy ship ng Pilipinas sa WPS para igiit ang ating soberanya at claim sa teritoryo.


Katunayan halos 24/7 na ang pagpapatrolya ng Navy sa WPS ngunit aminado ito na kulang pa rin ang kanilang asset.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home