Pormal nang inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang bawiin ang “legislative franchise” na ibinigay sa Swara Sug Media Corporation, o kilala sa business name na Sonshine Media Network International o SMNI.
Ito ang House Bill 9710 ni 1-Rider PL Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez.
Sa ilalim ng Republic Act 11422, pinaglooban ng 25-taong prangkisa ang Swara Sug Media Corp.
Binanggit sa panukala ni Gutierrez ang alegasyong paglabag sa mga nasasaad sa prangkisa, kabilang ang pagpapakalat umano ng “fake news,” “red-tagging” at kabiguang sumunod sa “reportorial requirement” sa Kongreso.
Sa pagdinig naman ng House Committee on Legislative Franchises, tinukoy ng ilang mga mambabatas ang umano’y iba’t ibang pag-abuso nu SMNI.
Ayon kay Gutierrez, ang “misinformation at misinterpretation” ay mayroong seryosong implikasyon, lalo na para sa publiko, at maaaring magdala ng “social at political divide.”
At ang operasyon ng SMNI ay maaari umanong banta sa “national security at stability” kung magpapatuloy ang paggamit sa platform nito para magpakalat ng hindi beripikado at hindi totoong statements.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home