Speaker Romualdez iginiit suporta sa desisyon ni PBBM sa peace negotiation
Iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang buong suporta nito sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling buksan ang negosasyon para sa usapang pangkapayapaan.
Kasabay nito ay binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng kapayapaan sa pag-unlad ng bansa kaya dapat itong subukang makamit.
“The path to peace is often complex and challenging, but it is a journey worth undertaking for the future of the Philippines,” ani Speaker Romualdez. “President Marcos’s initiative is a bold move towards healing and unity, reflecting our dedication to resolving longstanding conflicts through dialogue and understanding.”
Nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng Pilipino na magsama-sama sa pagsuporta sa peace process.
“It is through our collective efforts and unwavering commitment to peace that we can overcome the barriers of the past and build a stronger, more united Philippines,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.
Ipinunto ni Speaker Romualdez na walang dapat na ikatakot sa pakikipag-usap sa mga rebelde dahil malakas ang Armed Forces of the Philippines.
“Bakit tayo matatakot makipag-usap kung alam nating malakas ang ating Sandatahang Lakas at matatag ang ating Republika? Ano ang ikababahala natin kung alam natin na nasa pamahalaan ang tiwala ng bayan?” punto ni Speaker Romualdez.
Ayon sa lider ng Kamara ang pagpasok sa negosasyon ay isang hakbang upang tangkaing mapag-isa ang pagkakahati ng bansa.
“We are not just negotiating terms; we are weaving the fabric of a peaceful future for every Filipino,” sabi pa nito. “Let us embrace this opportunity with open hearts and minds, fostering an environment where peace can flourish.”
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos, sinabi ni Speaker Romualdez na tatangkain ng bansa na hindi lamang umunlad kundi magsama-sama at nagkakasundo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home