Ibabalik ng Department of Social Welfare and Development ang nasa pitongdaang libong pamilyang benepisiyaryo na tinanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ito ang naging commitment ng ahensya sa pagdinig ng House Committee on Poverty Alleviation matapos igiit ang mabilis na pagtugon sa gutom at kahirapan.
Ayon kay 1PACMAN Party-list Representative Mikee Romero na siyang chairman ng komite, hindi lamang ibabalik sa listahan ang mga benepisiyaryo kundi tatanggap din ng "retroactive" payment mula sa panahon kung kailan sila inalis.
Pinatitiyak ng mga kongresista sa DSWD na mailalabas ang pondo para sa 700,000 delisted families at sa nalalabing 3.2 million beneficiaries upang masimulan ang distribusyon ng ayuda ngayong Pasko.
Batay sa ulat, itinigil umano ng DSWD ang pamamahagi ng conditional cash transfer sa delisted families sa simula pa lang ng taong 2023.
Kumbinsido naman si Romero na hindi pa tuluyang nakalalampas sa kahirapan ang mga naturang pamilya kaya dapat manatili ang "indigent status" sa 4Ps.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home