anne Magandang balita para sa mga onion farmers ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng moratorium sa pag import ng sibuyas sa ibang bansa.
Ayon kay Nueva Ecija Representative Ria Vergara, tugma din ito dahil simula na ang pag harvest ng mga sibuyas sa katapusan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.
Sinabi ng mambabatas, dapat tignan ng Department of Agriculture ang production ng sibuyas bago pa man sila mag desisyon na mag angkat sa ibang bansa.
Para kay Vergara hindi tama na mag-angkat ng sibuyas at ibenta ito sa murang presyo sa merkado habang nasa harvest season dahil bababa ang buying price ng mga traders sa mga magsasaka.
Nanawagan naman si Vergara na magtulungan ang lahat para mapalakas ang onion industry na malaking tulong sa food security ng bansa.
Sinabi pa ng Kongresista dapat lamang mag import ng sibuyas kung kulang ang suplay ng mga locally produced onions.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home