isa Isinusulong ni Manila Rep. Joel Chua na magtayo ng “rail line” o linya ng tren sa C-5 Road, at ilalim ng Metro Manila Skyway --- bilang isa sa mga solusyon sa matinding daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay Chua, vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development --- sa kasalukuyan, ang EDSA ay sobrang “congested.”
Mabuti rin aniya na mabigyan ang commuters ng mga opsyon bukod sa pagdaan sa EDSA, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng light rail line sa C-5 at ilalim ng Skyway.
Paniwala ni Chua, kapag nagkaroon na ng linya ng tren sa mga nabanggit na lugar, luluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA, at tiyak na makikinabang at magiginhawaan ang mga pasahero.
Ang C-5 ay mula Quezon City hanggang Taguig; at ang Skyway naman ay mula Balintawak hanggang South Luzon Expressway o SLEX.
Kaugnay nito, gusto rin ni Chua na magkaroon ng mas maraming tulay sa bahagi ng Ilog Pasig; habang second level naman sa Guadalupe Bridge sa EDSA-Makati.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home