edGalv Napilitang alisin ng popular coffee chain Starbucks ang cap na nakapataw sa 20-percent discount para sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs) na legal na may karapatan.
Sa hearing ng House committee on ways and means chaired by Albay Rep. Joey Salceda sa direktiba ni Speaker Martin Romualdez, kinilala ni Angela Cole, nagpakilala bilang operations director ng Starbucks Coffee ang kanilang pagkakamali sa iniutos nila ang “immediate removal of the erroneous signages.”
Ayon kay Cole, ang signages, kung saan pinahihigpitan ng Starbucks ang legally-mandated discount sa “one food item” at “one beverage,” ay hindi wasto ang bigkas.”
Ginawa ni Cole ang pahayag kaugnay ng agwat sa implementasyon ng batas sa diskwento, pribilehiyo at iba pang benepisyo para sa mga senior citizens, PWDs at solo parents.
Si Speaker Romualdez, principal author ng batas sa pagpapalawig ng mga benepisyo para sa mga senior citizens at PWDs ang nag-order ng imbestigasyon makaraang makatanggap ng mga reklamo sa pagkabigo ng ilang establishmento sa pagsunod nito sa kaugnay na batas.
Isa na nga ang reklamo sa limitasyon ng Starbucks sa application ng 20-percent discount.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home