hajji Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na inaasahang magpapatibay sa national defense industry ng bansa.
Sa botong 194 na pabor, tatlong tumutol at zero abstentions, lusot na sa Mababang Kapulungan ang House Bill 9713 o ang Philippine Self-Reliant Defense Posture Program na ika-limampu’t apat mula sa 57 Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC measures na ipinasa ng Kamara.
Susuportahan ng panukala ang defense force ng Pilipinas sa pamamagitan ng military at civilian partnership, local production ng “materiel” na tumutukoy sa military technology, armas, bala at combat clothing.
Paliwanag ni House Speaker Martin Romualdez, titiyakin ng panukalang batas ang suporta ng gobyerno sa teknikal at pinansyal na pangangailangan ng civilian manufacturers materiel.
Ang pangunahing layunin aniya ay palakasin ang defense capability ng bansa at gawing mas mabisa ang defense acquisition.
Nakasaad sa Section 6 ng panukala na pahihintulutan ang in-country enterprises na may kinalaman sa manufacture, servicing at operation ng materiel para sa pamahalaan na irerehistro sa Board of Investments at magbibigay-daan sa insentibo sa ilalim ng National Internal Revenue Code.
Itatatag din ang Office of the Undersecretary for Defense Technology Research and Industry Development na mangangasiwa sa databank para sa analysis, research at development tungo sa defense industry promotion.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home