Thursday, January 25, 2024

milks Kamara dismayado sa desisyon ng Senado na huwag ng isulong ang RBH no.6 para sa pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution…



Dismayado ang Kamara sa desisyon ng Senado na huwag nang isulong ang Resolution of Both Houses no.6 para pag-aralan ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.


Reaksiyon ito ni House Majority Leader Manuel Dalipe sa statement ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na maraming Senador ang tutol na sa RBH no.

 6 dahil sa mga alegasyon ng pagbili ng pirma para maisulong ang People’s Initiative.


Ayon kay Dalipe, kung may basehan ang pahayag ni Villanueva, nakalulungkot na nagdesisyon ang Senado nang hindi inalam kung may katotohanan ang alegasyon.


Una rito, sinabi ni Dalipe na paulit-ulit nang itinanggi ni Romualdez na siya o ang liderato ng Kamara ang nasa likod sa umanoy pagbili ng mga pirma para maisulong ang P-I.


Sabi pa ni Dalipe, tila pinaasa din ng Senado si Pangulong Bongbong Marcos nang sabihin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na susuportahan ang “constitutional economic reforms” sa pamamagitan ng koordinasyon sa Kamara.


Dagdag pa ni Dalipe, ilang taon nang balakid ang Senado sa pag-usad ng amyenda sa ating saligang batas sa halip na bigyan ng pagkakaton ang pag-aaral para sa pag-angat ng ating ekonomiya. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home