Wednesday, January 31, 2024

isa Wala dapat pilitan sa mga jeepney operator at drivers na mag-consolidate sa ilalim ng Public Utility Vehicle o PUV modernization program. 


Ito ang iginiit ng ilang mga kongresista, sa nagpapatuloy na pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa implementasyon ng programa. 


Ayon kay Rizal Rep. Jojo Garcia, dating general manager ng MMDA --- may kultura sa Pilipinas na ang mga jeepney ay “institusyon.” 


Naunawaaan umano niya ang layunin ng konsolidasyon at ng modernisasyon, pero punto ni Garcia, bakit hindi bigyan ng “choice” ang mga nasa sektor, at hayaan sila na mapagtanto na mahirap magloan kung “individual” o hindi sasama sa kooperatiba. 


Dagdag ni Garcia, kung may tsuper naman na kakayahang mag-loan para sa kanyang sarili at nakakasunod naman sa requirement, bigyan ito ng pagkakataon. 


Ayon naman kay Taguig-Pateros Rep. Ricardo Cruz, sa bawat lugar o ruta ay may asosasyon, at may opisyal pa...kaya hindi kanya-kanya. 


Buo na aniya ang asosasyon tapos dahil sa PUV modernization program ay kailangan pang sumali sa ibang samahan. 


Tugon ni Transportation Usec. Anneli Lontoc, mas malaki pa rin ang benepisyo kung sasali mga kooperatiba. 


Dagdag niya, kaya gusto nilang nagsasama-sama na ang mga ito ay para makapag-negosasyon at makatipid sa pagbili ng bulto ng mga piyesa, langis at iba pa. 


Pero ayon kay Cong. Garcia, huwag laging ipilit sa mga operator at drivers ang konsolidasyon, at bigyan sila ng laya sa nais nilang gawin.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home