isa “Welcome” sa Mababang Kapulungan ang pasya ng Commission on Elections o Comelec na suspendihin ang lahat ng proceedings o proseso na may kinalaman sa People’s Initiative o PI, para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.
Sa isang pulong balitaan ng mga lider ng Kamara, at party leaders --- sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na kanilang ikinalulugod ang desisyon ng Comelec at sa katunayan ay walang problema rito.
Dagdag ni Dalipe, kung mayroon mang gagawing review o pagrepaso ang Comelec sa kanilang mga patakaran ay welcome din ito sa Kamara.
Pero habang ginagawa ito ng Comelec, sinabi ni Dalipe na may iba ring lehislasyon o trabaho na aatupagin ang Kamara.
Sa naunang anunsyo ng Comelec, ang lahat ng mga hakbang na may kaugnayan sa PI ay suspendido, at naka-indefinite suspension din ang pagtanggap nila ng mga signature form.
May mga senador at grupo na inakusahan ang Kamara partikular si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang may pakana ng PI.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home