Thursday, January 11, 2024

Mga senador dapat pakinggan panawagan ng business sector na magpatupad ng economic reform sa Konstitusyon—SDS Gonzales


Hinimok ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang mga senador na pakinggan ang panawagan ng business sector na magpatupad ng reporma sa economic provision ng Konstitusyon upang mas dumami ang mapapasukang trabaho at oportunidad na kumita ng mga Pilipino.


Ginawa ni Gonzales ang apela bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa 1.83 milyon noong Nobyembre mula sa 2.09 milyon noong Oktubre.


“This means that there were an additional 260,000 of our labor force who got themselves employed in jobs created in the economy through investments. We could create more job and income opportunities for our people if we could attract more investments, especially funds from foreign investors,” sabi ni Gonzales.


Ayon kay Gonzales ang pagpasok ng mas maraming dayuhang mamumuhunan ang nais mangyari ng Kamara sa isinusulong nitong pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon.


Sinabi ng mambabatas na ilang grupo sa business community ang nagpahayag ng pagsuporta sa pag-amyenda sa Saligang Batas, ang pinakahuli ay ang Foundation for Economic Freedom.


Nauna na umanong nagpahayag ng pagsuporta sa pag-amyenda sa Konstitusyon ang ilang grupo kabilang ang Makati Business Club.


“So we are urging the Senate, which has consistently resisted any form of Charter change, to heed the clamor of the business sector. We can accelerate capital formation and hasten our economic growth for the benefit of our people if we can introduce constitutional reform,” sabi ni Gonzales.


Ayon kay Gonzalez ang pagtanggi ng mga senador na ikonsidera ang inisyatiba ng Kamara para amyendahan ang Konstitusyon ay nagtulak sa ilang kongresista upang isulong ang people’s initiative mode, isang paraan na hindi na kakailanganin ng pag-sang-ayon ng Kongreso. (END)

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home