Thursday, January 25, 2024

MGA PANUKALA SA PROGRAMANG SELF-RELIANT  DEFENSE POSTURE AT PAGBABAWAL SA CHEMICAL WEAPONS, APRUBADO SA IKATLONG PAGBASA


Sa botong 194-3, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 9713, o ang panukalang "Philippine Self-Reliant Defense Posture Program Act,” isang prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Layon ng panukala na patatagin ang pagpapaunlad ng industriya ng pambansang depensa sa pamamagitan ng pagtutok sa 'self-reliance in defense materiel manufacturing' at mga may kaugnay na mga serbisyo. 


Pahihintulutan nito ang mga negosyo na nasa pagmamanupaktura, pagseserbisyo at mga operasyon ng materiel para sa pamahalaan na maaaring irehistro sa Board of Investments, at pakinabangan ang mga insentibo nito. Kapag naisabatas, ang mga produktong pampinansya mula sa mga government financial institutions ay magpapabilis sa kaunlaran ng industriya. 


Tutulong rin ang pamahalaan sa pagsusulong ng pagluluwas ng mga domestically-made materiel sa lokal na merkado, at sa ibayong dagat sa pamamagitan ng mga ayuda sa pinansya at pagmemerkado. 


Nagkakaisa ring inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang HB 9571, o ang panukalang "Chemical Weapons Prohibition Act," sa pabor na botong 197. Inihain nina House Committee on Public Order and Safety chairperson at Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, Antipolo City Rep. Romeo Acop at PATROL Party-list Rep. Jorge Bustos, at iba pa, layon ng panukala na ipagbawal ang pagpapaunlad, pagmamanupaktura, pagbili, pag-imbak, at pagmantine ng anumang chemical weapon, gayundin ang pagtupad sa anumang ipinagbabawal ng Chemical Weapons Convention (CWC), kung saan ang bansa ay kasapi. 


Hihirangin ng HB 9571 ang Anti-Terrorism Council (ATC) bilang Philippine National Authority sa CWC. Dagdag pa rito, ang mga dayuhan, mga opisyal at kawani ng pamahalaan, mga opisyal ng partnerships, corporations, associations, at iba pang mga ligal na tanggapan na lalabag sa anumang mga probisyong kriminal at administratibo ng panukala ay mahaharap sa parusa at multa. 


Ang sesyon sa plenaryo ngayong Martes ay pinamunuan nina Deputy Speakers Antonio “Tonypet” Albano at Yasser Alonto Balindong. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home