IMBESTIGASYON SA UMANO'Y IREGULARIDAD SA SEARCH WARRANT, ISINAGAWA NG KAPULUNGAN
Alinsunod sa House Resolution 1471 na inihain ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, inimbestigahan ng Komite ng Public Order and Safety sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez ngayong Martes, bilang ayuda sa lehislasyon, ang umano'y iregularidad sa pagpapatupad ng search warrant sa mga armas laban sa apat na naarestong Chinese nationals na pawang mga kababaihan.
Iniulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na isang impormal na imbestigasyon ang idinaos, na nakadiskubre ng mga iregularidad sa proseso na isinagawa ng mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) District Special Operation Unit - Southern Police District (DSOU-SPD) noong ika-16 ng Setyembre 2023 sa SoleMare Park Suites Tower sa Lungsod ng ParaƱaque.
Kabilang rito ang pagtatanim ng ebidensya, pangingikil, pagsisinungaling, pamemeke ng mga pampublikong dokumento, pag-abuso sa search warrant, paglabag sa tirahan, paglabag sa hustisya, at paglabag sa mga direktiba at mga polisiya sa mga proseso ng operasyon ng pulisya.
Bukod sa hindi ipinatupad na mga body-worn cameras (BWCs) at digital video recorders (DVR) sa panahon ng operasyon, dalawang armas at dalawa pang two M-16 magazines ang umano'y itinanim.
Nadiskubre rin na kinatok at pinasok ng mga operatiba ang iba pang mga tirahan na hindi nakasaad sa search warrant, at ang mga Chinese nationals ay tinakot umano para lumagda sa pekeng complaint-affidavit na sila umano ay mga biktima ng trafficking.
Lumabas rin sa pagsisiyasat ng NCRPO ang late report ng tinatayang P27-milyong cash na nakuha sa isinagawang operasyon.
Isiniwalat ni Acop na mayroon siyang impormasyon na nagsasaad na ang kabuuang halaga ay mas malaki pa kesa sa iniulat.
"If my story is right, dito nakita nung driver na nag-withdraw ng pera. So alam niya na maraming pera 'yong kanyang boss at 'yon ang tinip sa inyo. Gumawa kayo ng paraan na paano niyo mare-raid 'yong lugar. Illegal possession of firearms lang ang pupwede," ani Acop.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home