Thursday, January 25, 2024

vic CHACHA SA PAMAMAGITAN NG PEOPLES INITIATIVE HINDI NA MAPIPIGILAN NG SENADO AYON SA KAMARA


KAHIT HINDI SUMUPORTA ANG SENADO MATUTULOY PARIN ANG CHARTER CHANGE O CHACHA SA PAMAMAGITAN NG PEOPLES INITIATIVE.


ITO ANG INIHAYAG NI ALBAY CONGRESSMAN JOEY SALCEDA CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS SA ISANG AMBUSH INTERVIEW.


SINABI NI SALCEDA NA NAKUHA NA ANG 3 PERCENT NA PIRMA NG MGA BOTANTE SA BAWAT CONGRESSIONAL DISTRICT AT UMABOT NA SA 12.1 PERCENT ANG NAKALAP NA SIGNATURE NG KABUOANG BOTANTE SA BUONG BANSA NA HINIHINGI SA PROBISYON NG 1987 CONSTITUTION UPANG MAISULONG ANG CHACHA SA PAMAMAGITAN NG PEOPLES INITIATIVE.


AYON KAY SALCEDA MAS MALAKAS ANG BOSES NG MGA BOTANTE NA PUMIRMA SA PAGSUSULONG NG PEOPLES INITIATIVE NA PARAAN NG PAG-AMYENDA SA SALIGANG BATAS KAYSA PAGTUTOL NG 24 NA SENADOR.


SOT:


ALBAY CONGRESSMAN JOEY SALCEDA CHAIRMAN HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS....


NILIWANAG NI SALCEDA SA SANDALING NAIHAIN NG PRO CHACHA  VIA PEOPLES INITIATIVE ANG PORMAL NA PETISYON NASA KAMAY NA NG COMELEC ANG BOLA PARA SA PAGSASAGAWA NG VALIDATION SA NAKALAP NA PIRMA SA BAWAT CONGRESSIONAL DISTRICT.


SOT:


CONGRESSMAN JOEY SALCEDA..


IGINIIT NI SALCEDA PANAHON NA PARA AMYENDAHAN ANG SALIGANG BATAS LALO NA ANG ECONOMIC PROVISIONS PARA MABUKSAN ANG PINTUAN NG BANSA SA MGA OPURTUNIDAD SA LARANGAN NG FOREIGN INVESTMENT NA MAGDADALA NG KAUNLARAN SA BUHAY AT PAMUMUHAY NG BAWAT MAMAMAYAN.


VIC SOMINTAC

PARA SA MATA NG AGILA

MATATAG MATAPANG MATAPAT


NOTE:


MATERIALS PAPALOAD PAGBALIK NAMIN SA OPIS wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home