Tuesday, February 13, 2024

hajji Itutulak pa rin ni dating House Speaker at ngayo'y Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez ang "Mindanao Independence Movement" sa kabila ng pagtutol ng ilang kongresista mula sa Mindanao.


Ayon kay Alvarez, iginagalang nito ang kanilang pananaw ngunit batid umano nila na napag-iwanan ang Mindanao pagdating sa resources at pinagkakakitaan.


Kitang-kita aniya sa budget appropriations na katiting lang ang ibinibigay para sa Mindanao at pakana ito ng national government taliwas sa sinasabing may "representation" ang lugar sa Kongreso.


Giit ng dating Speaker, bagama't tinutukan nila ang paglalaan ng pondo ay nawawala naman ang pinaghirapan ng Mindanao lawmakers dahil binubura umano ng Bicameral Conference Committee.


Isinisi rin ni Alvarez ang mga nangyaring pagbaha sa Mindanao sa umano'y practice ng national government na isinasantabi ang National Expenditure Plan na isinusumite ng DBM at pinapalitan ng insertions na hindi inirekomenda ng regional offices.


Maging ang landslide sa Davao de Oro ay kasalanan umano ng national government dahil hindi pinagbibigyan ang wishlist ng mga mambabatas tulad ng flood protection projects at ang kita mula sa resources sa Mindanao na kinuha ng mining companies ay pinakikinabangan ng National Capital Region.


Dagdag pa nito, ang Mindanao Independence Movement ay isang mapayapang kampanya na magsusulong ng mga adhikain ng mamamayan at tuluyan nang hihiwalay sa gobyerno.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home