Tuesday, February 13, 2024

tina Pormal nang naghain ng resolusyon sina ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo , Davao De Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga at apat pang mga mambabatas sa kamara upang paimbestigahan ang  nangyaring landslide sa Davao De Oro na kumitil ng higit 50 buhay nitong ika-6 ng Pebrero.


Sa House Resolution 1586 na inihain ng mga mambabatas iginiit ni Cong. Tulfo na naiwasan sana ang insidente kung mahigpit na ipinatupad ang ‘No build zone’ o hindi hinayang tayuan ng tirahan ang  lugar.


Aniya dapat may mapanagot sa trahedya at repasuhin ang umiiral na batas na Mines and Geosciences Bureau o MGB  ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Gayundin ang iba pang mga umiiral na batas, regulasyon at polisiya sa pamamahala ng lupa , pagprotekta sa kapaligiran  at disaster risk reduction na pinangangasiwaan ng MGB.


Giit pa ng mga mambabatas sa nasabing resolusyon mahalaga ang papel  na ginagampanan  ng MGB sa pangangasiwa mga aktibidad sa pagmimina, geological hazard, at pagpaplano sa paggamit ng lupa upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng komunidad.


Matatandaang noong 2012 at 2015 nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa probinsya ng Davao De Oro kasama ang gold-rush village ng Napnapan at noong 2005 hanggang 2007 naman sa nayon ng Diwalwal.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home