Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ang panukalang patawan ng bente pesos (P20.00) na “excise tax” ang kada kilo ng single use plastic bags.
Sa “viva voce” o botohan sa pamamagitan ng boses --- aprubado sa Kamara ang House Bill 4102 o Single Use Plastic Bags Tax Bill.
Nauna nang sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na kapag naging ganap na batas ang panukala, makakatulong ito para mabawasan ang paggamit ng plastic bags sa ating bansa.
Makakatulong din ito para mahimok ang publiko na gumamit ng environmental-friendly na alternatibo sa plastic bags, at maprotektahan sa kalikasan.
Ani Salceda, mas “reasonable” o makatwiran ang pagtataw ng excise tax sa mga plastic bag, kaysa sa tuluyang pag-ban o pagbabawal dito.
Inaasahan namang aabot sa P1 billion kada taon ang kikitain ng pamahalan mula sa plastic bags excise tax, na magagamit naman sa mga solid waste management programs ng mga lokal na pamahalaan.
Kabilang sa papatawan ng excise tax ay mga plastic bag mula sa “place of production” o inilalabas mula sa Bureau of Customs o BOC. Ang plastic bags na ito ay mga “secondary level plastics” na gawa mula sa synthetic o semisynthetic organic polymer, o mas kilalang labo o sando bags may handle man o wala at ginagamit sa packing ng goods o mga produkto.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home