Wednesday, November 09, 2022

Health insurance para sa mga public school teacher, isinusulong sa Kamara matapos ang Bataan bus accident…



Isinusulong sa Kamara na bigyan ng health insurance ang mga public school teachers matapos ang aksidente ng bus sa Orani, Bataan na ikinamatay ng isang guro at ikinasugat ng dalawampu’t isa katao.


 


Ayon kay Congressman Patrick Michael Vargas, sa House bill 4074 o Health Care for Public School Teachers bill, bibigyan ng health maintenance organization o HMO insurance ang mga pampublikong guro sa ilalim ng DepEd.


 


Sa panukala, sinabi ni Vargas, oobligahin ang DepEd na magpatibay ng kontrata sa mga accredited HMO na kinikilala ng mga ospital sa ibat-ibang bahagi ng bansa.


 


Paliwanag ni Vargas, kapag nagkasakit o naaksidente ang mga guro, problema ang gagastusin sa ospital kaya malaking tulong ang health insurance.


 


Matatandaan, 141 public elementary and high school teachers ng DepEd-Quezon City ay dadalo sa gender and development activity sa Sinagtala Resort sa Bataan nang maaksidente ang isa sa mga bus na kanilang sinasakyan.


 


Sinabi ni Vargas, nagparating na rin ng tulong ang kanyang tanggapan dahil siyam sa mga nasugatan na mga guro ay mula sa District 5 na kanyang nasasakupan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home