MGA KALAHOK MULA CAMBODIA AT LAO PDR SA PARLIAMENTARY CENTER ASIA-FISCAL ANALYSIS CAPACITY TRAINING PROGRAM, BUMISITA SA KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Bumisita ngayong Martes ang mga kalahok sa Parliamentary Center Asia-Fiscal Analysis Capacity Training Program (FACT) mula sa Kingdom of Cambodia at Lao People's Democratic Republic sa Kapulungan ng mga Kinatawan, at nag-courtesy call kay Deputy Secretary General Dante Roberto Maling ng Finance Department, na siyang kumatawan kay Secretary General Reginald Velasco. Ang delegasyon ay binubuo nina Chea Thavuthsopheavy, Chek Kea, Nguon Senghou, Sen Chanthou, at Sony Monyrath ng Cambodia Senate; Long Bunhav, Phal Sophobpania, at Tauch Chanratana ng Cambodia National Assembly; Wonxay Phonevilay ng Lao PDR National Assembly; Nop Chanthy ng Cambodia, SN, BRD; Soun Putthavy, Cambodia, SN, Direktor Heneral ng Pananaliksik; at Kem Sothorn, PC Asia-Instructor. Ang delegasyon ay inilibot sa Kapulungan sa pangunguna nina Inter-Parliamentary Relations Service and Affairs Bureau (IPRSAB) Legislative Staff Officer II Angel Acosta at Congressional Planning and Budget Research Department (CPBRD) Supervising Legislative Staff Officer II Ricardo Mira. Binigyan din sila ng briefing sa kasaysayan ng Kapulungan, tungkol sa kasalukuyan at mga dating Speaker, gayundin sa proseso at gawain ng bicameral legislature na binubuo ng Kapulungan at Senado. Ang Kapulungan sa ilalim ng kasalukuyang ika-19 na Kongreso ay pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at binubuo ng 312 mambabatas, 56 dito ay mga kinatawan ng party-list. Binisita din ng delegasyon ang opisina ni Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. ng Congressional Planning and Budget Research Department na nagbigay din sa kanila ng briefing sa mandato at mga gawain ng CPBRD. Pagkatapos nito, ang delegasyon ay iniharap sa mga miyembro ng Kapulungan habang ang plenaryo ay nasa sesyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home