Wednesday, November 09, 2022

PAMAMAHAGI NG AYUDANG PINANSYAL AT MGA KAGAMITAN SA PAGGUNITA NG YOLANDA, PINANGUNAHAN NINA PBBM, SPEAKER ROMUALDEZ AT TINGOG PARTYLIST

PALO, Leyte – Sa araw ng paggunita sa alaala ng mga nasawi sa Yolanda, ay nakakita ng oportunidad sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Speaker Martin G. Romualdez na pangunahan ang seremonyal na pamamahagi ng ayuda mula sa pamahalaan sa mga mamamayan, at ang turnover ng mga kagamitan at mga sasakyang pang emergency sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) at mga paaralan.


Walang iba kungdi si Pangulong Marcos ang nagpasinaya sa okasyon bilang Panauhing Pandangal sa Leyte Academic Center sa Palo, Leyte, kung saan ay nagtipon-tipon ang mga magsasaka at iba pang mga sektor para sa pamamahagi ng ayuda.


“Thank you for your presence here today, as we gather for the ceremonial turnover of financial and other forms of assistance to our people from various agencies of our national government,” ani Romualdez.


“The helping hand extended by our national government could not have come at a more opportune time for our province has been visited recently by successive storms that made life even more difficult for many of our people," dagdag ni Romualdez. 


Ang Pangulo, si Speaker at sa pakikipag-partner sa mga tanggapan nina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, ang nanguna sa seremonyal na turnover ng 100 units ng laptops mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT), na ibinigay sa Department of Education (DepEd) at tumukoy sa mga benepisaryo sa ilalim ng programang Tech4ED.


Ang kabuuang bilang ng 20 ambulansya mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DoH) ang ipinamahagi rin sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP)


Sa pinansyal na ayuda naman sa mga mamamayan, ay namahagi ang Department of Agriculture (DA) ng P5,000 bawat isa sa 1,200 na farmer-beneficiaries sa ilalim ng programang Rice Farmer Financial Assistance.


Bukod pa rito, pinagkalooban rin ng DA ng bawat isang disinfection truck sa pamahalaang panglalawigan ng Southern Leyte at bayan ng Allen, Northern Samar.


Namahagi rin ng ayudang pinansyal sa 300 benepisaryo ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), habang ang 200 mamamayan naman ay tumanggap ng P5,250 bawat isa mula sa Department of Labor and Employment’s (DoLE) Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).


“We are fortunate and truly grateful that the current administration is not blind to our people’s plight and has seen fit to help us,” ani Romualdez.


Ang Pangulo at si Speaker ay nanggaling sa isang Memorial na idinaos para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home