Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si House Martin Romualdez sa lahat ng nagbigay ng tulong sa pinangunahan niyang relief operations ng Kamara para sa mga nasalanta ng Bayong Paeng na umabot na sa 75-million pesos.
mahigit 26-million pesos dito ay in-kind donations tulad ng mga pagkain, tubig, kumot, toiletries, vitamins at iba pang relief goods habang halos 50-million pesos naman ang donasyong salapi at pangakong tulong mula sa mga kongresista at pribadong sektor.
Tiniyak ni Romualdez, na kahit nagbalik na ang session ngayong araw ay magpapatuloy ang pangangalap at paghahatid ng tulong ng Mababang Kapulungan para sa mga nasalanta ng kalamidad.
Gayunpaman, sabi ni Romualdez, kailangan nilang lumipat ng ibang lugar o warehouse para sa sorting, repacking at pag-iingat ng mga relief goods dahil simula nayong araw ay babalik na sa Batasan Complex ang mga kongresista para dumalo sa session.
Bukod sa mga nagbigay ng donasyon ay lubos ding pinapasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga tumutulong sa pagrepack at pagbyane ng mga relief items, kabilang ang mga staff ng kanyang tanggapan, mga empleyado ng Kamara, pati mga kasapi ng Philippine National Police at Philippine Air Force.
Nagpasalamat din si Romualdez kay Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa pagtulong sa constituents ng kanyang mga kasamahang mamababatas sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home