Suportado ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pinalutan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ilipat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mula sa Department of National Defense-Office of Civil Defense o OCD tungo sa Office of the President o OP.
Inanunsyo ni Pres. Marcos ang planong ito sa pagbisita niya sa Tacloban City para sa paggunita ng ika-9 na anibersaryo ng pananalasa ng Supertyphoon Yolanda.
Ayon sa lider ng Kamara, kapag natuloy ang naturang paglipat ay magkakaroon ng “direct hand” ang presidente sa pamamahala sa pagtugon ng gobyerno sa mga kalamidad at mga epekto o problemang dulot ng climate change.
Ani pa Romualdez, sakaling ilipat ang NDRRMC sa OP ay magiging simple ang daloy ng responsibilidad at mga direktiba sa higit 30 departamento, ahensya at organisasyon na parte ng ng konseho.
Punto rin ng Speaker, gaya ng maraming bansa ay kailangang maging handa tayo sa anumang posibleng bagyo at iba pang kalamidad, kaya mabuting ma-streamline ang disaster response at ang pamamahala sa mga ito.
Matatandaang ang Kongreso ang bumuo ng NDRRMC sa ilalim ng Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home