MASUSTANSIYANG PAGKAIN
Nais ng isang kongresista na masilip o mareporma ang batas na nagbabawal sa mga otoridad na mabuksan ang mga cargo vehicle na pumapasok sa bansa.
Sa pagpupulong ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Committee Vice Chairman Richard Gomez, na isa kasi ito sa malaking balakid upang tuluyang masawata ang pagpasok ng mga iligal na droga sa Pilipinas.
Sa katunayan ayon sa solon, nahihirapan ang mga otorodid gaya ng Bureau of Customs at Phil coast guard na matukoy kung naglalaman ng iligal na droga ang mga container van at mga cargo trucks na pumapasok sa Pilipinas, dahil sa hindi nila ito maaring buksan.
Ganito ani Gomez ang kanilang nararanasan sa ormoc city kayat may mga ulat na mayroong mga nakakapasok na kontrabando na dumadaan sa kanilang ports o mga pantalan.
Giit ng mambabatas, Hanggat hindi narereporma ang batas ukol dito, tiyak na magpapatuloy ang pagpasok at paglaganap ng mga iligal na droga sa ating bansa.
Mayroon naman aniyang x-ray machine na maaring magamit upang makita ang laman ng bawat cargo vehicle ngunit hindi lahat ng entry point sa bansa ang may ganitong equipment.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home