House tax panel, tiniyak na aaprubahan ang panukalang i- condone o alisin na ang humigit-kumulang P58B na agrarian reform loans bago matapos ang taon...
Siniguro ni House Ways and Means Chairman Joey Salceda na diringgin at aaprubahan ng House tax panel ang mga tax provisions ng committee report ng House Committee on Agrarian Reform para i-condone o alisin na ang humigit-kumulang P58B na agrarian reform loans.
Kasunod ito ng pag-apruba ng kamara sa pinagsama-samang bersyon ng iba't ibang panukalang batas ukol dito.
Pinasalamatan naman ni Salceda ang chairman ng Committee on Agrarian Reform sa agarang pag aksyon nito sa isinusulong na panukala.
Ipinangako naman ng solon na tatalakayin ng kanyang pinamumunuang House Committee on Ways and Means ang mga tax provisions, at hindi ito magkakaroon ng anumang pagkaantala.
Tiniyak naman ni Salceda na kanilang sisimulan ang deliberasyon nito sa ikatlong pagbasa bago matapos ang buwan.
Giit ng kongresista, susundin nila ang nais o kahilingan ni Pang. Ferdinand Marcos na maipasa ang panukalang ito sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
Tinawag naman ng kongresista ang isinusulong na panukala bilang “potentially biggest policy achievement" ng Adminiatrasyon ni Pang. Marcos ngayong 2022.
Malaki rin aniya ang maitutulong nito para sa pagsulong at pag unlad ng mga komunidad sa mga kanayunan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home