Wednesday, November 09, 2022

PAHAYAG SA ENGKWENTRONG NANGYARI SA PAGITAN NG MILITAR AT MILF


Ikinalulungkot natin ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng puwersa ng militar at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Barangay Ulitan sa munisipalidad ng Ungkaya Pukan sa Basilan kahapon, kung saan isang sundalo ang nasugatan.


Nananawagan tayo ng isang agarang ceasefire sa pagitan ng mga nagtutunggaling puwersa sa aming lalawigan ngayon, para sa kaligtasan ng mga mamamayan na maaring madamay sa palitan ng putukan at para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kawawa ang ating mga kababayan.


Ngayon, ang tanong sa ating isipan, bakit nangyayari pa ang mga ganitong engkwentro? Buong akala natin ay wala nang giyera sa pagitan ng AFP at MILF dahil may kasunduan na para sa kapayapaan at nariyan na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na pinamumunuan ng MILF. Pero bakit nagkakaroon pa ng karahasan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at MILF?


Nais nating ilatag ang ating hamon para sa gobyerno at MILF na ipaliwanag kung bakit nagkaroon ng ganitong klaseng engkwentro lalo na’t may mekanismo tayo ng koordinasyon sa pagitan nila sa ilalim ng Ad Hoc Joint Action Group o AHJAG. 


Dapat maipaunawa nila sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mamamayan ng BARMM, kung bakit nababasag ang dapat sana ay matatag na kapayapaan sa Mindanao. 


Nananawagan din tayo ng review para sa mekanismo ng koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan at MILF sa mga bagay na may kinalaman sa kooperasyon ng magkabilang panig. Kailangan sigurong pagtibayin na ang mga proseso para hindi na nagkakaroon ng mga ganitong klase ng engkwentro na hindi lamang inilalagay sa peligro ang buhay ng mga tao, kundi pati na rin ang kapayapaang matagal nating pinaghirapang matamo. ###



For inquiries: 


John Concepcion

09086046110

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home