Wednesday, November 09, 2022

ERLY VOTING

Pasado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang “early voting” para sa mga senior citizen at mga person with disabilities o PWDs.


Sa pagdinig ng komite, tinalakay ang hindi bababa sa 10 House Bills na pawang nagsusulong ng maagang pagboto para sa mga kwalipikadong nakatatanda at PWDs tuwing national at local elections sa ating bansa.


Sa ilalim ng panukala, makakaboto sila ng pitong araw bago ang nakatakdang petsa ng eleksyon.


Ang mga senior citizen at PWDs ay uubrang bumoto sa “accessible” at ligtas na establisimyento na itatalaga ng Commission on Elections o Comelec.


Matatandaan na nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang early voting para sa senior citizens at PWDs noong nakalipas na 18th Congress, upang maihabol sa Eleksyon 2022. Pero bigo itong maging ganap na batas.


Sa kasalukuyang “Absentee Voting”, ang mga sektor na pinapayagan para sa maagang pagboto ay mga Overseas Filipino Worker o OFWs, at mga media worker, mga guro, at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, na karaniwanag nagsisilbing tuwing eleksyon.


Nauna nang sinabi ng Comelec na suportado nila ang early voting na ito, lalo’t “doable” ito at mahihimok ang mas maraming senior citizens at OFWs na bumoto.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home