Tuesday, February 14, 2023

DELIBERASYON HINGGIL SA KOMPREHENSIBONG BALANGKAS NG REGULASYON SA ENERHIYANG NUKLEYAR, IPINAGPATULOY NG KOMITE SA KAPULUNGAN

 Tinalakay ngayong Martes ng Espesyal na Komite ng Enerhiyang Nukleyar sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang substitute bill sa House Bill 7049, sa pinagsama-samang mga HBs 371, 481, 526, 542, 1255, 2103, 3301, 3898, 4822, 6030 at 7003, na naglalayong magkaloob ng komprehensibong balangkas ng regulasyong atomiko, at paglikha sa Philippine Atomic Regulatory Commission (PARC). 


Nilalayon ng panukalang batas na magtatag ng isang legal na balangkas at ayusin ang isang independyenteng lupon para sa regulasyon ng paggamit ng enerhiyang nukleyar. 


Binigyang-diin ng mga mambabatas na ang kaligtasan ng publiko ay matitiyak sa pagsasabatas ng panukalang batas. 


Pinagtibay ng Komite ang isang probisyon sa substitute bill na magbibigay ng kapangyarihan sa PARC na tanggapin ang pagsusuri sa kaligtasan ng isang dayuhang lupon na may karanasan sa nukleyar. 


Nilinaw ni Rep. Cojuangco na layon lamang ng panukalang-batas na gawing institutusyonal ang isang ligal na balangkas ng regulasyon, at "hindi mapipigilan ang mga mamamayan na tutulan" ang pagtatayo ng mga planta ng kuryente. 


Tiniyak din ng mga mambabatas sa mga lokal na opisyal na ang konsultasyon sa kani-kanilang mga yunit ng lokal na pamahalaan (LGUs), at kanilang mga nasasakupan ay isasagawa bago ang anumang pagtatayo, bilang pagkilala sa mga kaukulang probisyon ng Republic Act 7160 o ang “Local Government Code of 1991.” 


Nagpahayag si Bataan Rep. Albert Garcia ng buong suporta para sa enerhiyang nukleyar at binanggit ang lumalaking pangangailangan ng bansa para sa enerhiya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home