Thursday, February 09, 2023

PAGSASAAYOS NG LISTAHAN NG COLD STORAGE FACILITIES SA BANSA, HINILING SA KAMARA

kath

Hiniling ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga sa Bureau of Plant Industry na ayusin ang listahan nila ng cold storage facilities.


Ito’y bunsod ng magulong report ng BPI tungkol sa mga rehistradong cold storage facility sa bansa.


Natanong ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang BPI kung ang Will Builders Incorporated o WBI ba ang pinakamalaking cold storage facility sa bansa.


“You also mentioned na minomonitor niyo ang cold storage. Maibibigay mo ba ang pangalan ng mga cold storage na iyong minomonitor? 151? What’s the largest cold storage? WBI?” tanong ni Barzaga.


Ngunit hindi agad mahanap ni National Plant Quarantine Services Division OIC Chief Shereene Samala ang datos.


Dahil dito, mismong si Rep. Enverga na ang nagbahagi ng impormasyon batay sa mismong report na ipinadala ng BPI.


Dito nakasaad na walang WBI Cold Storage sa listahan ng nila, pero kasama sa mapping ng cold storages.


Ipinunto naman ni House Majority Leader Mannix Dalipe na mahalagang malaman kung rehistrado ba talaga o hindi ang WBI Cold Storage dahil isa ito sa pinakamalaking onion cold storage facility.


Dapat aniya ay namomonitor maigi ng BPI ang mga cold storages at ang dami ng suplay sa mga imbakan dahil kung hindi, makakatugon ng tama ang policy makers.


“Big storage facilities like this you should know. Because everything isa about yoru supply. If you cannot know how much you have, then it’s very difficult for us to strategize, kailangan ba tayo mag import? O hindi ba natin kailangan mag-import?” ani Dalipe. 


Sa kasalukuyan, mayroong 151 na cold storage facility ang rehistrado sa BPI.


Katumbas ito ng 7.3 million metric tons ng gular, prutas at iba pang perishable items na maaaring iimbak.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home